5 Reasons why I will not give my vote to Manny Villar
Posted on | March 6, 2010 | 3 Comments
Pasintabi na lang po sa mga pro-Villar jan, opinyon ko lang naman po ito and no harm meant.
1. Hindi sya sumisipot sa Senate Hearing regarding sa kanyang controversial C5 extension project. If maganda at kapakinapakinabang naman talaga sa lahat ng mamayan ang ginawa nyang un, why not show his face sa hearing and be a man?
To Villar: You’re a UP student! Act like you’re a true scholar ng bayan and be brave enough to face that problem on your own. Kung ikaw na ang presidente, paano na ang mga ibabato na case sayo, ignore na lang lagi? Media na lang lagi sandalan mo? Wag kang magtago sa suit ng mga advisers mo!
2. Many of his colleagues mentions na hindi nya alam ang batas. As a president, hindi naman required na alam mo lahat ng batas ng bansang patatakbuhin mo. Pero mas maganda naman na kahit papaano ay aware ka and may pakialam. Hindi yung sasabihin mo n alang na “sige, bahala na kayo” kind of thingy.
To Villar: Hindi sa lahat ng panahon economy lang ng bansa ang kailangan mo pagtuunan ng pansin. Six years mong pagsisilbihan ang bansang Pilipinas, panu kung biglang may mag-declare ng war? Paano na ang diskarte mo kung naaagrabyado na ang kapwa mo. Hindi lahat nadadaan sa pera.
3. He keeps on saying na sya ang tunay na mahirap, isang batang Tondo. Uhm, ikumpara naman natin ang kalagayan ng mga namumuhay sa Tondo noon at ngayon. Malaki ang diperensya.
To Villar: Kung ikaw na ang tunay na mahirap, ano pa kami? Mga alipin ng mga mapansamantalang Kapitalistang katulad mo na isang tunay na mahirap.
4. Sabi nya na katulad nya, maiaahon nya ang mga Pilipinas sa kahirapan.
To Villar: Paano? Magtatayo ka ng madaming kumnpanya na maaaring pagtrabahuhan ng mahihirap at ng mga walang pinag-aralan? Ipapadala mo sa ibang bansa para maging OFW? Paano? Atleast si Noynoy, hindi sya magnanakaw. At paano naman kaming mga middle class? Ano ang plano mo sa amin? Kaming mga struggling mass, ano ang plano mo sa amin? Lagi na lang sa mga mahihirap ang pinupuntirya mo, halatang halata na paawa effect. Atleast sa plataporma ni Noynoy at Gibo, damay kami.
5. Lastly, I won’t vote for Villar because… I don’t like him. As simple as that.
Sa mga pinapakita nya ngaung election para syang plastic. Umalingawngaw lang ang name nya sa media noong napagdesisyunan nyang tumakbo bilang presidente ng Pilipinas. Nagsimula syang mag-fund sa mga pamasahe ng mga inaaping OFW para makauwi sa Pilipinas. Kuha mo nga naman ang sympathy ngĀ mga Ofw. Tapos behind his angelic face, parang may something sa kanya. Then nag-boom pa ung balita na bata sya ni GMA (which is also why we should’t vote for him), tutulungan kita manalo sa pagka-Presidente pero abswelto na ako at ang pamilya Macapagal-Arroyo sa lahat ng kaso once na ikaw na ang nakaupo bilang presidente.
To Villar: Magpakatotoo ka!
Comments
3 Responses to “5 Reasons why I will not give my vote to Manny Villar”
Leave a Reply
March 22nd, 2010 @ 9:01 am
1. mali ka kagad. pumunta si villar sa senate hearing. nasa youtube ung video nya at inexplain nya kung bakit 2 years ay paulit ulit na lang ung c-5 lies sa senado pero hindi naman dinadala sa korte.
2. paano mo nasabi yun e andami nyang naipasang batas na 400+. magka level sila ni miriam defensor santiago last year. hindi ba dapat sinasabi un sa walang naipasang batas?
3. ibig nyang sabihin sa tunay na mahirap ay galing sa hirap na umahon kaya mas naiintindihan nya ang mga mahihirap at mga pangangailangan nito. ikaw mismo nagsasabi nyan sayo at binababaan mo tingin mo sa sarili mo. sarili mo umaalipusta sayo.
4. tinignan mo na ba plataporma ni villar? you made a mockery without even knowing anything about it. you know nothing about villar’s platform that is why you are like that.
5. hay..haka haka.. tsismis tsismis.. galing mo naman mag imbento ng storya. kinalaban nila villar si arroyo at pina imbestigahan ang fertilizer scam, zte at garci tape. eto basahin mo kasi baka iba talaga bata ni arroyo.
http://goodmorningclass.wordpress.com/2010/02/06/it%E2%80%99s-all-about-credibility-ascendancy-5-questions-on-noynoy%E2%80%99s-ties-with-arroyo/
yah those are your opinions. puro opinions at walang facts.
March 25th, 2010 @ 1:42 am
thanks for voicing this out but still my vote won’t go to your bet.
May 3rd, 2010 @ 1:46 am
c villar ang mag aalis ng basura sa bansa ntin.