It’s Feb Fair time!
Posted on | February 11, 2010 | No Comments
Madami mang drama ang naganap sa pagitan ng nag-iinarteng si Chancy at ng USC (Sakbayan), ay sa wakas matutuloy pa rin ang pinakahihintay hintay ng bawat estudyante at alumni na Feb Fair!!!
I’m so excited, I haven’t miss a single (Friday only) fair simula ng aking pagtungtong sa tunay na mundo.
Talo pa nito ang tunay na alumni homecoming, dito mas madaming nagpupunta at nagpapakasaya. Libre pa ang mga concert at kung anek-anek. Kunwari bawal mag-inom, pero nakatago naman sa mga trash bags.
Dito din libre ang rambol… Mag-start sa konting hirit na, “Bading, bading!” tapos magagalit ung sinabihan at papatunayang di sila bading. Magtatawag ng kakampi at magpapabugbog kasi di pala talaga sila marunong manuntok. Hanggang scream to the highest pitch lang pala alam nilang gawin. Free panoorin ang scene na yan every feb fair.
Ang Feb Fair para sa akin ay isang tradisyon, eto na nga lang halos ung time ko para bumalik sa uplb at mag-reminisce.
Kaya tama ung sinabi nung iba na legal man o hindi, dapat ituloy ang fair dahil yan ay para sa mga naging at kasalukuyang estudyante ng elbi. Yan na nga lang na-eenjoy namin tatanggalin pa, tama ba un?
Anyway, stop na ang pag-rant. Basta ang importante tuloy ang fair at masaya na ulit taung lahat (except dun sa yearly nabubugbog [*wink*]). So panu ba yan, kita kits na lang tayo dun tomorrow. =)
Comments
Leave a Reply